Sanggol itinapon sa isang sapa sa Bulacan

Image via Facebook/Ferdie Mendoza

Kalunos lunos ang sinapit ng isang bagong silang sanggol na hinihilang tinapon mismo ng sariling magulang sa isang sapa.

Sa larawang ibinahagi ni Ferdie Mendoza, makikitang nakadapa at palutang-lutang sa tubig na puno ng basura ang munting anghel.

Nais iparating ng netizen ang poot at galit sa ginawa ng walang pusong magulang ng kaawa-awang sanggol.


“Walang mga puso na magulang, bagong panganak na sanggol na itinapon lang sa sapa…. makunsensya sana kayo!Diyos na ang bahala sa inyo.”

Maging ang ilang nakakita sa sinapit ng sanggol, hindi napigilan maiyak at sumpain ang mga taong nasa likod nito.

“Walang kuwentang magulang ilang buwan niya dinala sa tiyan niya tapos ganito lang ginawa niya sa anak niya dapat pina-ampun nalang kong ayaw niya hindi yong bastanalang itapun sa ilog.”

“Pagkatapos niong mag pakasarap sa kama tapos yan gagawin nio wala kayong puso”

“Grabe sana binigay niyo na lang sa dswd kesa tinapon sa ilog.”

Pinaampon mo na lang sana. Wawa nman ang bata”

Hiling ng publiko, ipagdasal ang kaluluwa ng sanggol at nasa masaya at tahimik na siyang lugar – kapiling ang Diyos.

Facebook Comments