Nag-susuplay ng droga sa mga terminal ng sasakyan, arestado ng QCPD

152

Manila, Philippines – Arestado ng Talipapa police station ang 30-anyos na lalaking itinuturong isa sa nagpapakalat ng shabu sa terminal ng mga sasakyan sa Brgy. Culiat Quezon City.

Hindi na nagawa pang makatakbo ang suspek na si Rizaldy Pecana residente ng nabanggit na barangay.

Ayon kay PSupt. Danilo Mendoza ang hepe ng QCPD station 3, mga tricycle at jeepney driver na adik ang parokyano na tulak na si Pecana.


Ang pagkaka-aresto kay Pecana ay kasunod ng tip na natanggap ng pulisya na nagsabing nasa vasra toda terminal ang suspek at lantaran kung magbenta ng shabu.

Bukod sa nasamsam na ilang sachet ng shabu, nakuha rin kay Pecana ang isang tricycle na may body number MTR-067 na ginagamit nito sa pagbebenta ng ilegal na droga.

Facebook Comments