Lumabas na positibo sa novel coronavirus ang isang sanggol sa Wuhan, China makalipas lang ang 30 oras mula nang maipanganak.
Naitala ang sanggol na pinakabata sa mga kumpirmadong tinamaan ng nasabing virus na pumatay na sa halos 500 indibidwal.
Ayon sa ulat ng CCTV, posibleng kaso ito ng “vertical transmission” o naipasa ng ina ang sakit habang ipinagbubuntis ang sanggol o kaya ay pagkapanganak.
Nagpositibo sa coronavirus ang nanay bago pa man manganak.
Nitong Lunes lang, iniulat ng Xinhua news agency na isang babaeng apektado ng virus ang nagsilang naman ng malusog na sanggol.
Ayon naman sa tala ng national health commission ng China, 90-anyos ang pinakamatandang tinamaan ng virus.
Facebook Comments