Sangguniang Bayan Member ng Rizal Cagayan, Patay Matapos Tambangan ng Riding in Tandem!

Cauayan City, Isabela – Patay ang isang Sangguniang Bayan Member ng Rizal, Cagayan matapos tambangan ng riding in tandem habang papauwi ng kaniyang bahay sa San Gabriel, Tuguegarao City pasado ala sais kagabi, July 29, 2018.

Batay sa impormasyong nakalap ng RMN Cauayan, dead on the spot si SB Member Alfredo Alvares, 64 anyos, may asawa, tubong Barangay Batu, Rizal Cagayan at residente ng No.13 Garnet Street, City Homes, San Gabriel Tuguegarao City.

Ayon  sa pangyayari, lulan umano ng kaniyang kotse si Alvarez para umuwi sa kaniyang bahay nang tambangan ng mga armadong kalalakihan sa kahabaan ng City Homes Road, San Gabriel Village, Tuguegarao City.


Sinabi naman ni Police Superintendent George Cablarda, hepe ng PNP Tuguegarao City na hindi pa malaman ang motibo ng pamamaslang dahil sa kasalukuyan parin ang karagdagang imbestigasyon sa pangyayari.

Samantala hindi pa umano masasabi na may kinalaman ang makakaliwang grupo sa pamamaril dahil sa wala namang  pahayag ang panig ng NPA hinggil dito, sa kabila na umano’y dating sundalo ang napaslang na SB Member ng Rizal, Cagayan.

Facebook Comments