Pagsabog naitala sa Kibleg, Upi

Nagpapatuloy ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng Upi MPS sa nangyaring roadside explosion sa KM 13 Brgy. Kibleg pasado alas syete ngayong umaga.

Wala namang naging sugatan sa pagsabog ng hinihinalang improvised explosive device sa panayam ng DXMY kay UPI COP CINS Erwin Tabora.

Bagaman walang banta ng terorismo, lalo pang naghigpit ng seguridad ang UPI MPS.


Inaalam pa kung sino ang may kagagawan ng pagpapasabog.

Facebook Comments