*Cauayan City, Isabela*- Desidido ang kampo ni Cagayan Governor Manuel Mamba na sampahan ng kaukulang kaso ang isang Sangguniang Bayan Member ng Sta. Ana matapos umano ang iligal na quarry operation nito sa nasabing bayan.
Ayon kay Mamba, kinakailangan na mapanagot sa batas si Konsehal Jovymar Castillo matapos mahuli ng mga awtordidad ang kanyang mga tauhan sa isang checkpoint.
Giit pa ni Mamba, nakatanggap sila ng impormasyon mula sa isang kapitan ng barangay sa umano’y iligal na operasyon ng konsehal gayong mahigpit na ipinagbabawal ito matapos magpalabas ng Memorandum Order 139 series of 2017.
Mahaharap din sa reklamo ang mga tauhan nito bunsod ng umiiral na Enhanced Community Quarantine sa buong Luzon.
Sasampahan ng kasong Theft of Minerals si SB Member Castillo habang nananatili ang mga tauhan nito sa kustodiya ng pulisya.