Sangguniang Kabataan ng Sta. Catalina, Umarangkada sa kanilang #ProjectTUGON

Cauayan City, Isabela- Umabot sa kabuuang 70 mag-aaral mula Senior High School at Kolehiyo mula sa Brgy. Sta. Catalina, City of Ilagan ang nabiyayaan ng kagamitan na kanilang gagamitin sa online classes.

Ayon kay SK Chairperson Melvin Pacursa Adurable, maaaring maliit na bagay ang kanilang naibigay sa mga ito subalit hindi basehan ang halaga para patuloy na tumulong ngayong panahon ng pandemya.

Aniya, ilan sa,kanilang naibigay ay ang libreng earphones, USB LED light, Alcohol at face mask.


Paraan ito ng Sangguniang Kabataan upang maipadama sa kanilang kapwa na laging nandyan ang kanilang pwersa para umalalay sa hamon ng makabagong edukasyon.

Matatandaang nagbigay rin ng libreng Anti-Radiation eyeglasses sa iba pang mag-aaral ang grupo ni Adurable na layong mapangalagaan ang kalusugan ng kanilang mata.

Nagpapasalamat din ang buong pwersa ng SK Council sa lahat ng mga patuloy na tumutugon sa kanilang kahilingan na tulungan ang kanilang kapwa kabataan ngayong nahaharap sa krisis ang lahat.

Facebook Comments