Sangguniang Panlungsod ng Surigao City magsasagawa ng imbestigasyon sa Emergency Rescue Service sa isang pangyayari na kung saan ang pasyente ang nahulog sa stretcher. Ito’y matapos mag-viral ang kuha sa CCTV footage sa pagresponde ng Emergency Rescue Service(ERS) noong Hulyo 22 na kung saan ang pasyente na kinilalang si Hennebel Labaclado, 40 taong gulang at naninirahan sa Purok 1-A, Brgy. San Juan, Surigao City ang nahulog mula sa stretcher. Sa footage makikita na noong isinugod sa isang pribadong ospital ang biktima, noong inilagay si Labaclado sa stretcher at pababa na biglang nahulog ito. Diumano’y ito’y inatake sa puso at idineklarang dead on arrival ng mga doktor. Tinukoy ng asawa nitong si Jacqueline Labaclado hindi totoong patay na ang kanyang mister noong kinuha ng ERS sa kanilang bayay. Inihayag nitong nagduda sila na ang pagkahulog sa strecher at pagkabagok sa ulo ang dahilan sa kamatayan nito. Sa panig naman ng ERS, binigyangdiin ng hepe nitong si Mario Gesta na noong nasa kanilang bahay pa ang biktima at rumesponde ang ERS wala na itong pulso. Hindi rin ang pagkahulog sa stretcher ang dahilan ng pagkamatay ni Labaclado kundi ang sakit nito. Inamin nito ang lapses sa kanilang crew na pinasakay sa Ambulancia ang ibang tao gaya ng kapitbahay na makikita sa video na tumulong sa pagtadyak sa ibabang bahagi ng stretcher at doon nangyari ang disbalanse kaya nahulog ang biktima. Ayon naman kay City Councilor Baltazar Abian, ang Chairman sa a Committee on Health ng Sangguniang Panlungsod na kailangan ang imbestigasyon nang matukoy kung sino ang dapat managot sa pangyayari.
Sent from my iPhone