SANGKAD ka DAS Program inilunsad ni Mayor Datu Pax Ali Mangudadatu

Pinangunahan ngayong araw ni Mayor Datu Pax Ali ang groundbreaking ceremony sa Brgy. Talisawa ng ipapatayong Central Materials Recovery Facilities at pagbubukas ng Sanitary Landfill.

Sinasabing may sukat na 20, 000 sq meters ang Landfill habang may sukat naman ng 260 sq meters ang itatayong CMRF.

Inaasahang matatapos ang construction nito sa loob ng dalawang buwan.


Layunin ng mga proyekto ay para maisiguro ang kaligtasan lalo na sa usaping pangkalusugan ng bawat residente ng bayan ayon pa kay Mayor Ali Pax sa panayam ng DXMY.

Napapanahon na rin aniyang ibalik ang respeto at pagmamahal sa inang kalikasan dagdag ng batang Alkalde.

Bukod sa bayan ng DAS, sinasabing bukas rin para sa mga kalapit bayan ang Landfill at CMRF giit ni Mayor Datu Pax Ali.

Samantala sinimulan na rin ang construction ng Halal Public Market sa bayan ng Datu Abdullah Sangki sa Maguindanao.

Mismong si DAS Mayor Datu Pax Ali Mangudadatu ang nanguna sa groundbreaking ceremony kasama ang mga opisyales ng AFP, PNP at Provincial Government ng Maguindanao.

Hangad pa rin ng batang alkalde na maging modelo ang kanilang bayan lalo na ang kanilang pamilihang bayan sa buong Bangsamoro Region na “malinis at ligtas” ang mga ibinebentang mga produkto.

Hinihimok rin nito ang mga magiging vendors ng Public Market na sumunod sa prosesong Halal.

Target ng LGU na matapos ang pagpapatayo sa loob lamang ng dalawang buwan.

Ang pagsisinaya ng Sanitary Landfill, CMRF at Halal Public Market ay kasabay rin ng paglulunsad ng LGU ng SANGKAD ka DAS Program , na nangangahulugang ‘DAS Tumayo ka”.
Sinasabing pangunahing layunin nito ay para maipagpatuloy pa ang mga nasimulang programa, proyekto at mga inisyatiba ng dating Alklade ng bayan na ngayoy Gobernadora ng Maguindanao Bai Mariam Sangki Mangudadatu.
Matatandaang ang DAS ay isang 6th Class Municipality ngunit humakot ng mga parangal sa panahon ni Bai Mariam, kabilang na rito ang back to back achievement ng SGLG Award.

Facebook Comments