Sangkaterbang isda, napadpad sa dalampasigan ng Parang, Sulu

Hindi na raw problemado sa pagkain ang mga residente ng Barangay Tandu Bunga, Parang Sulu matapos tumambad sa kanila ang sangkaterbang isdang dilis.

Ayon sa ulat, dalawang araw at dalawang gabi na raw dumadagdag sa dalampasigang sakop ng lugar ang isdang tinatawag na “bulinaw”.

Ikinatuwa naman ito ng mga sibilyan doon na kaniya-kaniyang kuha ng “bulinaw” gamit ang lambat.

Maging ang mga naninirahan sa ibang bayan, dumadayo sa naturang baybayin para lamang mangisda.

Sabi naman ng Parang, Sulu LGU “one of the good tidings during summer here in our locality is the abundance of “bulinaw.”

Facebook Comments