Sanhi ng Sunod-sunod na Sunog sa Cauayan City, Isabela, Ipinaliwanag ng BFP!

*Cauayan City, Isabela- *May kaugnayan umano sa kuryente ang pangunahing sanhi ng sunod-sunod na sunog na nagaganap sa Lungsod ng Cauayan.

Ito ang inihayag ni Fire Officer 1 Francis Decena ng Bureau of Fire and Protection (BFP) Cauayan City kung saan ay nakapagtala na ng anim na insidente ng sunog ang pamunuan ng BFP ngayong buwan lamang ng Oktubre.

Aniya, batay umano sa resulta ng kanilang imbestigasyon ay magkakaiba umano ang mga pinagmulan ng sunog subalit nangunguna parin umano sa sanhi ng sunog ang may kaugnayan sa Kuryente.


Ayon pa kay Decena, patuloy pa rin umano ang kanilang maigting na inspeksyon sa mga gusali at bahay-bahay upang matiyak na walang paglabag at sumusunod sa alituntunin ng BFP ang mga owners ng gusali upang makaiwas sa anumang sunog.

Kaugnay nito ay wala naman umanong nakikitang violations ang mga owners ng mga gusali dahil sumusunod naman umano ang mga ito sa mga alituntunin ng BFP.

Facebook Comments