SANIB-PWERSA | Composite task group nagbabantay ngayon sa Libingan ng mga Bayani

25

Taguig City – Daan-daang pinagsanib na pwersa ng mga sundalo at pulis ang nagbabantay ngayon sa Libingan ng mga bayani sa Taguig City.

Ayon kay Philippine Army Spokesperson Colonel Louie Villanueva mula sa tropa ng Philippine Army, Philippine Navy, Philippine Air Force at Philippine National Police (PNP) ang nagbabantay ngayon sa Libingan ng mga Bayani.

Ito ay sa harap na rin ng patuloy na pagdagsa ng mga dadalaw sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay na nakalibing sa Libingan ng mga Bayani.

Aniya layunin ng composite task group na mapanatili ang kaayusan at maipatupad ang mahigpit na seguridad sa libingan.

Sinabi pa ni Villanueva sinimulang i-deploy kahapon ang mga sundalo at pulis sa Libingan ng mga Bayani at magtatagal hanggang bukas All Souls Day.

Facebook Comments