SANIB-PWERSA | Pagsasanib ng Hugpong sa Pagbabago, Pwersa ng Masang Pilipino – ikinagalak

Manila, Philippines – Ikinagalak ni dating DSWD Undersecretary Isko Moreno ang pagsasanib ng lakas ng Hugpong sa Pagbabago ni Mayor Sara Duterte at Pwersa ng Masang Pilipino ni Mayor Joseph Estrada.

Ayon kay Moreno, na ang pagsanib pwersa ng dalawang partido ay magdudulot ng positibong epekto sa mga mamamayan ng Maynila.

Umaasa aniya siya magreresulta ito sa isang maayos na pamamalakad at serbisyo, maayos na pangungulekta ng basura, mabigyan ng tunay na pansin ang kalagayan ng mga senior citizen, kalusugan at mabawasan ang napakaraming tambay at walang trabaho, matinding antas ng kahirapan at kalbaryo sa trapiko na araw-araw dinaranas ng mga mamamayan ng Maynila.


Si Moreno na dating undersecretary ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), ay umaasang tunay na drug free ang lungsod ng Maynila sa kabila nang patuloy na operasyon ng pulisya laban sa mga patuloy na nagtutulak at gumagamit ng ilegal na droga sa lungsod.

Facebook Comments