Sanofi Pasteur, kumpiyansang papayagan muli ang paggamit ng Dengvaxia sa bansa

Positibo ang Pharmaceutical Firm na Sanofi Pasteur na papayagan muli ang distribution ng kanilang Anti-Dengue Vaccine na Dengvaxia sa Philippine market.

Ayon kay Sanofi Pasteur Philippines General Manager Jean Antoine Zinsou, ang Dengvaxia ay ligtas at epektibo.

Bukas sila sa anumang diskusyon kasama ang Food and Drug Administration (FDA).


Ang suspensyon ng Dengvaxia sa Pilipinas ay hindi ibinase sa safety at efficacy nito, pero dahil sa ilang “Administrative Consideration.”

Dagdag pa niya, ang Dengvaxia ay rehistrado na sa 20 bansa.

Sinang-ayunan din nila ang Department of Health (DOH) na hindi solusyon ang Dengvaxia sa Dengue outbreak sa bansa.

Matatandaang binawi ng FDA ang Certificate of Product Registration ng Dengvaxia nitong Pebrero.

Facebook Comments