Nananatiling payapa at matiwasay ang bayan ng Santa Barbara sa kabila ng nagpapatuloy na local campaign.
Ayon kay PLtCol Michael Datuin ng Sta. Barbara Police Station, kahit umano magkatunggali sa eleksyon, maayos at wala pang naitatalang report o anumang insidenteng humahantong sa awayan o bangayan ng mga kandidatong tumatakbo.
Sa kabi-kabilaang pangangampanya, payo ng awtoridad sa mga supporters na maging mahinahon upang walang maganap na kaguluhan.
Pinaalalahanan naman ng Commission on Elections (COMELEC) ang lahat ng kandidato at tagasuporta na mahigpit na ipinagbabawal ang pangangampanya sa Abril 17 at 18, 2025, bilang paggunita sa Maundy Thursday at Good Friday at pagrespeto sa banal na pagdiriwang ng Semana Santa. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments