Santa Fe, Nueva Vizcaya, Nakategorya sa ‘local transmission’ ng DOH Region 2

Cauayan City, Isabela-Ikinategorya sa ‘local transmission’ ang bayan ng Santa Fe, Nueva Vizcaya matapos maitala ang dumaraming kaso ng COVID-19 batay sa datos na inilabas ng Department of Health (DOH) region 2.

As of July 12, 2021, mayroong 12 cases linked ang naturang bayan at inaasahang sa July 30 ang containment sa lugar kung magtutuloy-tuloy ang hindi pagdagdag ng kaso sa lugar.

Sa Isabela, kabilang pa rin sa ‘active status’ ng local transmission ang mga bayan ng City of Ilagan, Santiago City, Cauayan City, Tumauini at Cabagan.


Samantala, pumalo na sa kabuuang 55,046 ang tinamaan ng virus sa Cagayan Valley habang 2,115 ang nananatiling aktibo; 1,478 ang naitalang namatay sa COVID-19.

Facebook Comments