*Santiago City–* Planong bumili ng Pamahalaang Panlungsod ng Santiago ng mga karagdagang kasangkapan sa City Health Office ngayong unang quarter ng taon.
Sa naging panayam ng RMN Cauayan kay City Mayor Joseph Tan, bahagi ito ng kanyang mandato na tugunan ang mga pangangailangang kagamitan ng CHO na may kaugnay an sa pangkalusugan.
Bahagi rin ito ng kanilang isinusulong na magkaroon ng magandang kalusugan kaya’t kanyang tututukan ngayong taon ang programang pangkalusugan.
Kaugnay nito ay plano nilang bumili ng mga bagong kasangkapan gaya ng X-ray, Ultrasound, ECG at iba pang gamit na maaaring gamitin ng City Health Office para sa kanilang pagbibigay ng magandang serbisyo.
Naniniwala naman ang Alkalde na mas matutulungan ang mga Santiagueños sa kanilang pagpapagamot ng libre upang hindi mabigatan sa gastusin pagdating sa pangkalusugan.