Santiago City, Isasailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine

Cauayan City, Isabela-Isasailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) pasado alas-dose ngayong tanghali ang Lungsod ng Santiago na tatagal hanggang Nobyembre 14.

Ito ay bunsod ng patuloy na pagdami ng mga bilang tinamaan ng COVID-19 na pumalo na sa kabuuang 125 simula noong buwan ng Marso, 21 dito ay nananatiling aktibo habang isa ang binawian ng buhay.

Batay sa executive order no 2020-10-02 na nilagdaan ni Mayor Joseph Tan, 28 mula sa 37 barangay ay apektado na ng virus habang ang ilang residente na tinamaan ng virus sa 12 barangays ay pawang mga walang kasaysayan ng pagbiyahe sa anumang lugar na infected ng virus.


Nakasaad din sa kautusan na hindi papayagang lumabas ng bahay ang edad 18 pababa habang ang 60 taong gulang ay may comorbidities ay ipinagbabawal din.

Iiral din ang pagbabawal na magbenta ng alak simula alas-6:00 ng gabi hanggang alas-6:30 ng umaga.

Inalerto naman ng alkalde ang lahat ng mga otoridad sa pagpapatupad ng nasabing kautusan

Facebook Comments