Santiago City, Kailangan Tutukan dahil sa ‘HIGH RISK’ ng COVID-19

Cauayan City, Isabela- Kinakailangan umanong tutukan ang Santiago City sa Isabela dahil sa ‘high risk’ na average daily attack rate gayundin ang Tuguegarao City sa Cagayan dahil sa nadagdagan na naman ang mga nagpopositibo sa COVID-19, ayon sa Department of Health (DOH) Region 2.

Ayon kay Regional Director Dr. Rio Magpantay, hindi na bumababa sa isandaan (100) ang bilang ng mga nagpopositibo sa sakit kada araw sa buong rehiyon kung kaya’t kinakailangan maibaba ang dumaraming kaso ng virus sa pakikipagtulungan ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno.

Kung maaari aniya ay mas magkaroon pa ng mas mahigpit na panuntunan ang gobyerno at magsagawa ng dayalogo sa mga Local Government Unit (LGU) upang masigurong hindi na tataas pa ang mga naitalang kaso sa buong rehiyon.


Samantala, apat (4) na probinsya ang nananatili sa ‘moderate risk’ na kinabibilangan ng Cagayan, Nueva Vizcaya, Isabela, at Quirino habang low-risk naman ang lalawigan ng Batanes.

Facebook Comments