Santiago City, Naitala ang 14 na COVID-19 cases; 3 Pasyente Inoobserbahan dahil sa Comorbidity

Cauayan City, Isabela- Nakapagtala ng 14 na kumpirmadong kaso ng COVID-19 ang Santiago City ngayong araw.

Ito ay resulta ng malawakang contact tracing at mass testing ng LGU sa mga close contacts ng mga naunang nagpositibo sa virus.

Kinabibilangan ito ng tig-4 na katao mula sa Barangay Victory Norte at Plaridel; 3 sa Barangay Rosario at tig-isa naman sa Barangay ng Villasis, Rizal at Patul.


Sa 14 na panibagong kaso, anim (6) dito ay pawang mga asymptomatic habang walo (8) naman ang may sintomas.

Tatlong katao naman sa mga ito ang inoobserbahan sa mga pagamutan dahil sa ilang comorbidity o may mga dati ng karamdaman gaya ng Asthma, Hypertension at Chronic Obstructive Pulmonary Disease.

Patuloy naman ang pagsasagawa ng maigting na contact tracing at malawakang swab testing ng City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) sa mga iba pang posibleng nakasalamuha ng mga bagong kaso.

Facebook Comments