Santiago City, Nakahanda na sa Bagyong Ompong!

*Cauayan City, Isabela- *Nakahanda na ang Pamahalaang Panlungsod ng Santiago sa paparating na bagyong Ompong dito sa bahagi ng Northern Luzon.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay ginoong Julius Agustin, ang head ng CDRRMO Santiago City na nagsagawa na ng assessment ang pamunuan ng Disaster Risk Reduction Management Council upang matiyak na nasa sapat na kahandaan ang mga residente ng kanilang Lungsod.

Aniya, mula sa tatlumpu’t pitong barangay na sakop ng Lungsod ng Cauayan ay kanila umanong tinututukan ang labingpitong barangay na posibleng mabaha kaya’t nakaalerto na rin umano ang mga gagamiting sasakyan ng DRRMC kung kinakailangan.


Samantala, sinuspinde rin ng Pamahalaang Panlungsod ng Santiago ang klase bukas, Sept 14, 2018 sa lahat ng antas ng mga nasa pampubliko at pribadong paaralan sa Lungsod ng Santiago bilang paghahanda na rin sa bagyong Ompong habang ang mga empleyado ng nasa pampubliko at pribadong tanggapan naman ay mayroon paring pasok.

Facebook Comments