Santiago Robbery, May Update!

Santiago City, Isabela- Sa patuloy na imbestigasyon ng Station 1 PNP Santiago, sa pangunguna ni Police Chief Inspector Rolando Gatan, narekober ng kapulisan ang iba pang gamit ng mga suspek sa panloloob at pagnanakaw sa Carig Jewelry Pawnshop sa lungsod ng Santiago.

Sa panayam ng RMN Cauayan News Team kay Deputy Station Commander, Police Senior Inspector (PCI) Dennis Matias, natunton ang nirentahang bahay ng mg suspek matapos maka-ugnayan ang mismong may-ari ng bahay na kinilalang si Ginoong Jose Tapiador.

Ayon kay Tapiador, may mga pagkakatong naririnig niya mula sa kwarto ng inupahang bahay ng mga suspek na parang may hinahasang patalim at bakal.


Dagdag pa ng may-ari ng bahay, nagpakilala ang isa sa mga suspek na isang inhenyero na nagbayad ng 2 buwang upa bilang renta.

Gamit din umano ng mga suspek ang isang Toyota Hilux na may plakang RCA 407.

Sa pagsisiyasat ng mg pulis sa nasabing bahay, isa pang Hand Drill, Hydraulic Jack, itak, kutsilyo, gwantes, dalawang pares ng bota at anim na Sawn Lumber ang kanilang narekober.

Naniniwala ang kapulisan na gawa ng isang grupo ng sindikato at planado ang isinagawang pagnanakaw sa naturang pawnshop.

Facebook Comments