SAP Beneficiary na Nahuli sa Sugal, Nakalaya matapos Ibenta ang Alagang Kalabaw

Cauayan City, Isabela- Agad na nakapagpiyansa ang isa sa anim (6) na mga nahuling suspek dahil sa iligal na pagsusugal sa Bayan ng Naguilian, Isabela.

Nakilala ang suspek na si Rosalina Valdez, 32-anyos at residente ng Brgy. San Manuel sa nasabing bayan.

Ayon kay PMAJ. Gary Macadangdang, Hepe ng PNP Naguilian, nakapagpiyansa si Valdez sa halagang P30,000 dahilan para ibenta nito ang kanilang alagang kalabaw.


Dagdag pa ng hepe, nakatakas ang iba pang sangkot sa iligal na sugal habang nahuli ang mga 2 suspek matapos madapa at hindi agad makabangon.

Kabilang din sa nahuli ang isang menor de edad na ngayon ay nasa pangangalaga ng MSDWO-Naguilian.

Nabatid na si Valdez ay tumanggap ng ayuda sa ilalim ng Social Amelioration Program ng pamahalaan.

Nahaharap ang iba pang mga suspek sa paglabag sa PD 1602 o Illegal Gambling at RA 1332 o Bayanihan to Heal as One Act.

Facebook Comments