SAP distribution, balak na ring isama sa features ng anti-red tape app

Puntirya ngayon ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) na maisama sa kanilang anti-red tape app ang isang application na makakatulong para mapabilis ang distribusyon ng ayudang pinansyal sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP).

Ayon kay ARTA Director General Jeremiah Belgica, nakikipagtulungan sila ngayon sa app developer na Multisys Technologies Corporation para sa disenyo ng Go.SmARTApp para isama na ang SAP distribution sa features nito.

Nauna rito, pumasok sa isang kasunduan ang ARTA at ang Multisys Technologies Corp. para sa pag-develop ng anti-red tape app, bilang donasyon sa ARTA.


Ilan lang sa features ng Go.SmARTApp ay ang data gathering at geo mapping functionalities upang maapag-bigay ng analytics at accurate information sa mga Local Government Unit (LGU) at ahensya na nagpapamahagi ng social amelioration.

Ani Belgica, makakatulong ito sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), ang ahensyang nagpapatupad ng SAP na matukoy ang mga fake data.

Dahil dito, mas magiging mabilis at mapipigilan ang korapsyon sa pamamahagi ng ayudang pinansyal.

Facebook Comments