SAP para sa Tulunan Beneficiaries tinangkang tangayin ng NPA

Napigilan ng mga sundalo ang tangkang pagtangay ng rebeldeng grupo ng pera ng Department of Social Welfare and Development o DSWD na ipamamahagi sa ilalim ng Social Amelioration Program o SAP sa Barangay Tuburan, Tulunan, North Cotabato.
Ayon kay Tulunan PNP Chief Police Major Jun Napat, ang grupo ni Eusebio Cranzo alyas Brex, squad leader ng Guerilla Unit na pinamumunuan ni Dave Verana alyas commander Borjack ng Guerilla Front 72 ay nagtago sa masukal na lugar at hinihintay ang police patrol car kasama ang mga taga DSWD na mamamahagi ng ayudang pinansyal.
Nagkataon naman nagpapatrolya ang mga sundalo sa area kaya napigilan ang plano ng rebeldeng grupo na tambangan ang mga pulis.
Tumagal ng 30-minutes ang palitan ng putok ng mga makakaliwang grupo at ng tropa ng gobyerno.
Wala namang nasugatan sa panig ng militar samantalahang hindi pa batid kung may casualty sa panig ng kanilang kalaban.
Dahil sa pangyayari ay hindi natuloy ang pamamahagi ng pinansyal na tulong sa ilalim ng SAP sa Barangay Magbok at Paradise.
Tulunan MPS Pic

Facebook Comments