SAP, wala nang fund allocation sa susunod na taon – DSWD

Wala nang pondong ilalaan sa emergency cash subsidy para sa low-income families sa susunod na taon.

Ito ang pahayag ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) kahit tumaas ng apat na porsyento ang kanilang budget sa ilalim ng proposed 2021 National Budget.

Ayon kay DSWD Undersecretary Rene Glen Paje, nasa ₱169.29 billion ang kanilang magiging pondo sa susunod na taon, 4.45% na mataas mula sa kasalukuyan nilang budget na nasa ₱162.09 billion.


Sinabi ni Paje na wala nang funding provision sa ilalim ng 2021 budget para sa Social Amelioration Program (SAP).

Tiniyak ni Paje na patuloy na ipinatutupad ang iba pang programa ng kagawaran maliban sa SAP.

Kabilang na rito ang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS), Social Pension program, Pantawid Pamilya Pilipino Program (4Ps), relief augmentation support sa Local Government Units (LGUs) at feeding programs.

Ang social protection programs ng DSWD ay binigyan ng mataas na alokasyon para sa susunod na taon.

Facebook Comments