Manila, Philippines – Pinapatiyak ni Senator Sonny Angara sa Department of Health o DOH na sapat ang suplay ng bakuna kontra tigdas, partikular sa mga lugar kung saan laganap ito sa kasalukuyan.
Ayon kay Angara, ito ay bilang paghahanda sa posibleng pagtaas pa ng bilang ng mga apektado ng tigdas.
Sa ngayon ay laganap na ang tigdas sa kalakhang Maynila, Central Luzon, Calabarzon, Western Visayas at Central Visayas.
Diin ni Angara, importanteng may sapat na suplay ng bakuna laban sa tigdas sa lahat ng barangay health center sa buong bansa para masiguro na mabibigyan ang lahat ng nangangailangan nito.
Facebook Comments