Sapat na buffer stock ng bigas ng bansa pinatitiyak ni Pangulong Marcos Jr., na hindi kukulangin

Sinisiguro ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na may sapat na suplay ng pagkain ang bansa.

Kahapon ay pinulong nito ang economic managers at ang mga opisyal ng National Food Authority o NFA.

Sila ay nagplano ng mga hakbang para tiyakin na mapananatili ang sapat na buffer stock ng bigas ng bansa.


Bukod sa asukal ay pinatitiyak ng pangulo na hindi magkakaroon ng artificial shortage ng bigas sa merkado.

Kaya naman, sinabi ng Malakanyang na tuloy-tuloy lamang ang operasyon ng mga awtoridad sa mga bodega na pinaniniwalaang pinag-iimbakan ng mga smuggled o iniipit na suplay ng asukal at bigas.

Sa nakalipas na ilang araw ay naglunsad ng operasyon ang mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) kung saan ilang bodega na ang kanilang napasok.

Bukod sa libo-libong sako ng asukal ay nakitaan din ng libo-libong sako ng bigas ang mga bodega na galing Thailand.

Ilan sa mga may-ari o caretaker ng bodega ang pinabulaanang iligal ang kanilang mga produkto at nagpakita ng mga kaukulang dokumento, habang ang iba ay kwestyonable ang mga dokumentong ipinakita sa mga awtoridad kaya iniimbestigahan pa ang mga ito.

Facebook Comments