Sapat na pondo para sa mga bagong medical frontliners, pinatitiyak ng isang kongresista

Pinatitiyak ni Ang Probinsyano Partylist Representative Ronnie Ong sa Department Health (DOH) ang sapat na pondo para sa mga bagong medical graduates sa Central Visayas bago isabak ang mga ito kontra COVID-19 pandemic sa rehiyon lalo na sa Cebu City.

Hiniling ng kongresista na bigyan ng sapat na pondo para mapasahod ng tama at mabigyan ng kinakailangang Personal Protective Equipment (PPE) ang mga bagong medical personnel.

Katuwiran ni Ong, bagama’t baguhan ang mga ito sa field, hindi naman dapat na maging iba ang trato sa kanila lalo’t magiging parte na sila ng medical frontliners na ia-alay ang kanilang buhay para maserbisyuhan ang mga kababayan.


Pakiusap ng kongresista sa DOH, huwag baratin ang mga ito na bibigyan lang ng ₱500 kada araw na sahod kundi ipantay sa natatanggap ng kanilang regular counterparts.

Iginiit nito na hindi dapat magtipid ang DOH pagdating sa kapakanan ng medical frontliners lalo’t hindi pangkaraniwanan ang panahon ngayon at kapos sa mga tao.

Facebook Comments