Sapat na pondo para sa mga maaapektuhan ng Bagyong Odette, tiniyak ng Office of Civil Defense

May sapat na pondo ang gobyerno para tustusan ang mga pangangailan ng mga maapektuhan ng Bagyong Odette.

Ito ang tiniyak ni Office of Civil Defense (OCD) Administrator Undersecretary Ricardo Jalad, sa gitna ng pangamba na paubos na ang budget ng mga ahensya ng pamahalaan dahil sa patapos na ang taon.

Pinaliwanag ni Jalad na kung maubos man ang budget para sa taong ito, may panibagong alokasyon naman para sa susunod na taon.


Aniya, hindi pa nangyari sa kasaysayan na nawalan ng pondo ang pamahalan para tumugon sa mga sakuna.

Sa ngayon aniya ay may ₱331 milyon halaga ng standby resources ang naka-pre-position bilang pantulong sa mga apektadong residente.

Maliban pa aniya ito sa standby fund na hawak ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno at lokal na pamahalaan para sa mga kalamidad.

Facebook Comments