Monday, April 13, 2026

Sapat na pondo sa mga malalayong isla ng Palawan, tiniyak ng isang senador sa 2027 budget

Tiniyak ni Senator Erwin Tulfo ang pagsusulong ng sapat na pondo para sa mga ospital at ilang mahahalagang imprastruktura sa malalayong isla ng Palawan.

Personal na nag-ikot at nakipag-usap ang senador sa mga residente ng 12 munisipalidad sa Palawan na karaniwang hindi naaabot ng serbisyo ng gobyerno.

Kabilang na rito ang munisipalidad ng Aborlan, Narra, Quezon, Kalayaan, Busuanga, Coron, Linapacan, Agutaya, Magsaysay, Cuyo, Roxas, Araceli, at Dumaran.

Mismong ang mga local leaders na rin ang nagsabi na si Sen. Erwin ang kauna-unahang senador na bumisita sa kanila at inalam ang kanilang pangangailangan.

Nakita ni Tulfo ang matinding kakulangan sa mga pasilidad pangkalusugan, kalsada gayundin ang mga pasilidad para sa sports at wellness.

Ang ginawang konsultasyon ni Tulfo ay bahagi ng kaniyang “grassroots-based policymaking” at bilang paghahanda sa darating na budget para sa taong 2027.

Facebook Comments