Sapat na power supply sa mga probinsya at mga barangay, pinatitiyak sa mga electric cooperatives

Hinimok ni Marinduque Rep. at House Committee on Energy Chairman Lord Allan Velasco ang mga electric cooperatives na tiyakin ang tuluy-tuloy at sapat na power supply sa mga probinsya at mga barangays.

 

Kasabay ng national electrification awareness month at pagdiriwang ng ika-50 anibersaryo ng NEA, sinabi ni Velasco ang malaking pagbabago at pagunlad ng mga rural areas sa tulong ng pagkakaroon ng sapat na suplay ng kuryente.

 

Pinatututukan ni Velasco na masuplayan ng kuryente ang mga barangay at mga malalayong probinsya.


 

Sa kabuuang 36,057 na mga barangays,  35,065 dito  o 99% na ang naabot ng kuryente.

 

Naniniwala ang mambabatas na ang sustainable at efficienct electricity ang daan upang mapalakas ang negosyo, pamumuhunan at hanapbuhay ng mga nasa probinsya na magreresulta sa pagunlad ng kanilang ekonomiya.

Facebook Comments