Sapat na proteksyon ng publiko sa COVID-19, pinatitiyak ng mga eksperto bago isailalim ang NCR sa Alert Level 1

Pinatitiyak ng mga medical expert sa pamahalaan na dapat may sapat na proteksyon ang publiko laban sa COVID-19 bago isailalim ang Metro Manila sa Alert Level 1.

Ayon kay ni Philippine College of Physicians (PCP) President Dr. Maricar Limpin, hindi nais ng medical community na magkaroon muli ng panibagong surge kung kaya’t mas mabuti na ipagpalibanang pagbaba ng alert level status kung hindi handa ang mga Local Government Unit (LGU).

Kabilang sa mga kahandaang dapat tignan ay ang mahigpit na pagsunod sa minimum public health standards (MPHS) at mataas na antas ng bakuna sa isang lungsod.


Bukod dito ay dapat handa rin aniya ang LGU sakaling magkaroon muli ng panibagong surge o pagtaas ng kaso.

Ikinababahala rin ng mga eksperto ang election campaign activities dahil posible itong maging COVID-19 superspreader event sa sa ilalim ng Alert Level 1.

Dahil dito ay nananawagan ang mga medical expert sa pamahalaan na siguraduhin muna na sapat ang proteksyon ng publiko at handang-handa ang mga LGU bago ibaba ang alert level status sa NCR.

Facebook Comments