Sapat na rainwater catch basins sa buong bansa, iginiit ng dalawang Senador

Nais malaman ni Senadora Nancy Binay kung nakagawa ba ang pamahalaan ng rainwater collector systems sa mahigit 42,000 na barangay sa Pilipinas para sa nakaambang na mahaba at malawak na El Niño.

Diin ni Senator Binay, itinatakda ng Republic Act 6716 na naipasa noon pang 1989 ang konstruksyon ng 100,000 Rain Water Collection System o RWCS na kinabibilangan ng mga balon, rainwater collectors, at rehabilitasyon ng mga balon sa lahat ng barangay.

Ayon kay Binay, ang dept. of public works and highways na lead agency ng task group on rainwater conservation ay binibigyan ng taunang budget para sa konstruksyon at rehabilitasyon ng RWCS at rehabilitasyon ng mga water system.


Giit naman ni Senator Sonny Angara, mahalaga ang solidong pagpapatupad ng RA 6716.

Ipinaalala ni Angara na noong 2007, ay nagbabala na ang Asian Development Bank na maaaring maubusan ng suplay ng malinis na tubig ang bansa sa taong 2025 kung hindi ito agad aaksyunan ng gobyerno sa pamamagitan ng mas pinalakas na imprastrakturang patubig.

Ayon kay Angara, subok at napatunayan nang epektibo sa mga bansa tulad ng India, Malaysia, Thailand at Singapore ang pag-iipon ng tubig ulan para sa kani-kanilang komunidad.

Facebook Comments