Sapat na suplay ng COVID-19 vaccines hanggang sa susunod na administrasyon, tiniyak ng DOH

Tiniyak ng Department of Health (DOH) na sapat ang suplay ng bakuna kontra COVID-19 hanggang sa pagpalit ng panibagong administrasyon at hanggang sa katapusan ng taon.

Ito ang inihayag ni Health Secretary Francisco Duque III kung saan mayroong 244 milyong doses ng COVID-19 vaccines na nasa imbentaryo ng pamahalaan.

Mababatid na nasa 155 milyon pa lamang ang naituturok na bakuna sa bansa dahilan para umabot sa 70 milyong Pilipino o 90% pa lamang ng target ng pamahalaan na 77 million ang nabakunahan.


Nananatili kasing mababa ang bilang ng nagpapabakuna ng kanilang booster shot na nasa 20% pa lamang ng 56 milyong eligible population ng bansa ang kumukuha nito.

Facebook Comments