Pangulong Duterte, pinasalamatan ang Panginoon matapos na makayang tapusin ang kanyang termino

127

Dalawang linggo bago ang pagtatapos ng kanyang termino, pinasalamatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Diyos matapos niyang makaya na tapusin ang anim na taong panunungkulan bilang pangulo ng Pilipinas.

Sa groundbreaking ceremony ng Philippine Sports Training Center (PSTC) sa Bagac, Bataan, sinabi ni Pangulong Duterte na marunong ang Diyos sa pagbibigay sa kanya ng presidency.

Ayon sa Pangulo, dahil sa katandaan, naglabasan ang lahat ng kanyang sakit noong nakaraang taon at timing naman ito dahil matatapos na rin ang kanyang termino sa June 30.


Aniya, siguro ay nakagawa ito ng mabuti kaya na-impress sa kanya ang Panginoong Jesus.

Una nang binigyang-diin ng pangulo na naging totoo ito sa sinumpaang tungkulin sa bayan bilang pangulo ng Pilipinas.

Facebook Comments