LAGUNA – Tiniyak ng Dept. of Energy (DOE) ang normal na suplay ng kuryente ngayong araw ng eleksyon.Ito’y matapos ang pagpalya ng dalawang planta ng kuryente, kahapon… ang 180 megawatt Kalayaan U-4 sa Laguna at 300 megawatt na Malaya U-1 sa Pilila, Rizal.Sa kabila nito, binigyan diin ni Energy Secretary Zenaida Monsada na inaasahang magiging above normal ang reserba ng kuryente sa Luzon, Visayas at Mindanao ngayong May 9.Sinabi pa ni Monsada na pinalakas ng kanilang power task force election and monitoring para masiguro na magiging matatag na suplay ng kuryente sabuong araw ng eleksyon.
Facebook Comments