Ppcrv, Handa Na Ngayong Araw Ng Eleksyon

5

MANILA – All systems go na ang command center ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa Pope Pius Center para sa eleksyon, ngayong araw.Na-inspeksyon na ng mga technician ng PPCRV kung gumagana nang maayos ang mga computer na gagamitin ng grupo para i-tabulate ang mga papasok na resulta ng botohan.Nag-inspeksyon na rin ang ilang K-9 units sa loob at labas ng command center.Nakabukas at online na rin ang nasa 100 computers at may mga technician na nagseset-up.Maging ang mga telepono ay nakalatag na rin na maaring tawagan ng mga botante kapag may tanong o sumbong hinggil sa halalan.Bukas (open) na rin ang dalawang malaking screen kung saan doon makikita ang bilang ng mga boto na pumapasok sa oras na magsimula ang transmission mamayang gabi.Ang PPCRV ang citizens arm ng Comelec kaya’t may access ito sa transparency server ng election result na gagamitin sa bilangan pero ang ilalabas nilang resulta ay ikukunsiderang partial unofficial.

Facebook Comments