Sapat na suplay ng mga hiringgilya para sa COVID-19 vaccines, sinisiguro ng isang opisyal ng DOH

Inihayag ng isang opisyal ng Department of Health (DOH) na mayroong sapat na suplay ng mga hiringgilya para sa COVID-19 vaccines.

Ito’y hanggang sa matapos ang taon kung saan binili ang hiringgilya sa pamamagitan ng United Nations Children’s Fund (UNICEF) na nagsimula naman dumating sa bansa.

Ayon kay Health Undersecretary at National Vaccination Operations Center Chairperson Myrna Cabotaje, patuloy pa rin ang pamahalaan ng pagbili ng mga hiringgilya.


Aniya, nagkakaroon lamang ng pagkaantala sa pagdating dahil sa global shortage.

Dagdag pa ni Cabotaje, nasa 44 milyong bilang ng hiringgilya ang na-order tatlong buwan na ang nakalilipas kung saan dalawang milyon na ang dumarating sa bansa habang inaasahan naman ang karagdagang dalawang milyon sa isang linggo.

Sinabi pa ni Cabotaje na posibleng dumating na rin sa bansa sa ang 40 milyon pang hiringgilya sa susunod na taon.

Facebook Comments