Sapat na supplay ng tubig sa darating na fiesta ng Surigao ipinangako ng SMWD. Ipinangako ng pamunuan ng Surigao Metropolitan Water District(SMWD) na may sapat na supplay ng tubig sa nalalapit na kapistahan ng Surigao City sa Setyembre. Ayon kay Engr. Benjamin Ensomo Jr., ang Gen. Manager ng SMWD, ngayong taon walang El Niño kaya walang pagkatuyo sa water source. Binigyangdiin nito, walang ikabahala ang mga Surigaonon kahit na maraming bisita na darating sa susunod na buwan dahil walang magiging problema sa supplay ng tubig. Dagdag pa ni Engr. Ensomo, nakakuha ng bagong pagkukunan ng tubig ang SMWD sa Talibong, Sison, Surigao Del Norte kaya may dagdag na 4M liters bawat araw.
Sapat na supplay ng tubig sa darating na fiesta ng Surigao ipinangako ng SMWD
Facebook Comments