Sapat na supply ng COVID-19 vaccines sa kabila ng Russia-Ukraine crisis, tiniyak ng Malacañang

Tiniyak ng Malakanyang na sapat ang supply ng COVID-19 vaccine sa bansa sa gitna ng gulo sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Ayon kay acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, naniniwala sila na hindi maantala ang delivery ng COVID-19 vaccine kahit pa ng papatuloy ang gulo sa Ukraine.

Aniya, na-secure na nila ang kailangang supply ng bakuna at inaayos na rin ang supply para sa pediatric group.


Sinabi naman ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na mayroong sapat na nakaimbak na supply ng mga bakuna sa bansa.

Nagkaroon din aniya ng stock filing ng mga gamot laban sa COVID-19 noong tumaas ang mga kaso dahil sa Omicron variant.

Tiniyak din ni Vergeire na kakayanin ng healthcare system ng bansa sakaling magkroon ng epekto ang gulo sa pagitan ng Russia at Ukraine sa bansa.

Facebook Comments