Kabuuang bilang ng mga bakunang naiturok sa bansa, umabot na sa higit 135 million

Umabot na sa 35, 479, 183 doses ng COVID-19 vaccine ang naiturok na sa bansa.

Ayon kay acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, 63,091,847 ang fully vaccinated na laban sa COVID-19.

Habang nasa 68,729,730  ang nabigyan ng first dose.


Umkayat na rin aniya sa 10,137,875 ang nabigyan ng booster shot.

Kasabay nito, muli namang nanawagan si Nograles sa publiko na magpabakuna na kontra COVID-19.

Nanawagan din ito sa mga magulang na pabakunahan na ang kanilang anak bilang proteksyon sa virus.

Facebook Comments