Sapat na supply ng gamot laban sa HIV, tiniyak ng DOH

Tiniyak ng Department of Health (DOH) na may sapat na suplay ng antiretroviral drugs hanggang sa susunod na taon, para sa HIV patients sa bansa.

Ito ang nilinaw ng DOH sa pahayag ng Network Plus Philippines na kaunti na lamang ang stocks ng mga gamot laban sa HIV.

Ayon sa DOH, ang mga paparating na stocks ng antiretroviral drug ay sapat pa hanggang sa April 2024, habang darating na rin sa katapusan ng Hunyo ang initial na tranche o 58,000 na bote na gagamitin ngayong taon.


Nasa 243,000 bottles naman ang bilang ng ikalawang batch na darating sa Hulyo, at 292,000 na bote sa Setyembre.

Dagdag pa ng DOH, mag-re-reorder ng 25% ng kabuuang procurement o 146,000 na bote para matiyak na sasapat ang suplay hanggang sa 2024.

Sa pinakahuling ulat ng DOH noong Marso, pumalo na sa higit 2,000 ang kaso ng HIV sa bansa, na mas mataas ng 35 percent kumpara sa naitala noonng nakaraang taon.

Samantala, siniguro naman ng kagawaran na gumagawa sila ng hakbang para matulungan at masuportahan ang persons living with HIV sa bansa.

Facebook Comments