Tiniyak ng Manila Electric Company (Meralco) na may sapat na power supply para mapunan ang demand ng mga customers sa harap ng nararanasang rotating brownouts dahil sa power plant outages.
Ayon kay Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga, nakapag-secure sila ng sapat na power supply mula sa kanilang contractors sakop ang kanilang franchise areas.
Paniniguro rin ni Zaldarriaga na tuluy-tuloy ang daloy ng kuryente sa mga vaccination centers.
Paliwanag pa niya, ang rotating brownouts sa ilang lugar noong nakaraang linggo ay resulta ng ilang isyu sa Luzon power grid, kung saan pagnipis sa supply ang paliwanag ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
Ang Meralco ay naghihintay sa approval ng Department of Energy (DOE) para sa kanilang procurement na nasa 220 hanggang 260 megawatts ng power capacity para mapanatili ang kuryente sa mga COVID-19 vaccination sites.
Kasalukuyan nilang mino-monitor ang nasa 429 vaccination centers at storage facilities at nagtalaga ng back up power supply sa mga nasabing establisyimento.