SAPAT | NFA rice sa Kamuning Market, tatlong buwan nang sarado, presyo ng commercial rice, tumaas ng dalawang piso

Manila, Philippines – Bagamat said na ang supply ng NFA rice sa ilang pamilihan sa Metro Manila, sapat o sagana naman ang dami ng commercial rice na ibenebenta dito.

Sa Kamuming Market sa Quezon City, may tatlong buwan nang hindi binabagsakan ng supply ng NFA rice pero maraming pagpipiliang variety ng commercial rice na may iba’t-ibang presyo.

Ayon kay Lolita Lopez, isang rice retailer sa Kamuning Market, tumaas ng dalawang piso ang kada kilo ng kanilang commercial rice.


Pinakababang presyo ng commercial rice ngayon ay nasa 38 pesos kada kilo at 60 pesos naman ang pinakamataas.

Galing ng Nueva Ecija, Isabela at Bulacan ang supply ng bigas na kanilang ibenebenta.

Aniya sapat ang supply na ibinabagsak sa kanila kaya lang nakukuha nila ito ng may dagdag na presyo.

Dati rati nasa 34 pesos lamang ang kada kilo ng pinakamurang commercial rice at naging 38 pesos ng magsimulang mag taasan ang presyo ng bigas bago matapos ang taon noong 2017.

Facebook Comments