SAPAT PA | Pag-aangkat ng 250,000 metric tons ng bigas, hindi na itutuloy ng NFA

Manila, Philippines – Hindi na itutulak ng National Food Authority (NFA) ang pag-aangkat ng 250,000 metrikong toneladang bigas ngayong taon.

Ayon kay NFA Spokesperson Rebecca Olarte – nakita pa kasi ng interagency food security committee on rice na pinamumunuan ng National Economic and Development Authority (NEDA) na nananatiling sapat ang suplay ng bigas sa bansa.

Sinabi ni NFA Grains Market and Operations Division Director Rocky Valdez – ang kasalukuyang suplay ay kaya pang punan ang daily requirement sa bansa.


Kasabay nito, umangat ang produksyon ng palay sa bansa nitong 2017.

Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), mula sa 17.63 million metric tons nitong 2016 ay tumaas ito sa 19.28 million metric tons.

Facebook Comments