Manila, Philippines – Tiniyak ni Agriculture Secretary Manny Piñol na sapat ang supply ng karne ng baboy at manok maging ang mga gulay ngayong papalapit na ang Kapaskuhan.
Sa ginanap na deliberasyon ng budget ng DA sinabi ni Secretary Piñol na walang dapat ipangamba ang publiko dahil mayroong sapat na supply ng karne at gulay ang kagawaran dahil matagal na nila itong pinaghahandaan.
Una rito kinuwestyon ni Senate Committee on Food and Agriculture Chairman Cynthia Villar kung bakit ayaw tangkilikin ng NFA ang pagbili ng mga palay sa lokal na mga magsasaka at minarapat pa ng mga ito na mag angkat ng bigas sa Vietnam at Thailand.
Paliwanag ni Villar dapat buhayin sa bansa ang Agriculture products at tangkilikin ang sariling atin at huwag naman baratin ang mga lokal na magsasaka dahil marami umanong mga magsasaka ang nagrereglamo sa senadora na binabarat siya ng mga opisyal ng NFA kaya at napilitan na lamang nilang ibenta sa mga local traders.