Sapatos at iba pang footwear, alok ng isang community pantry sa Marikina

Imbes na pagkain, mga sapatos, sandals at tsinelas ang pinamimigay sa isang community sharing sa Barangay Santo Niño, Marikina City.

Ayon sa organizer na si Emma Salac, napag-isipan nila ng kaniyang boss na magbahagi ng mga sapatos sa mga Marikenyo.

Nagsimula sila noong Biyernes kung saan namigay sila ng 300 pares hanggang sa umabot na sa 600 pares ng sapatos ang kanilang pinamimigay nitong Martes, April 27.


Ang Marikina City ay kilalang “Shoe Capital of the Philippines.”

Facebook Comments