Sapilitang pagbabakuna sa mga bata, bubuhayin ng DOH

Manila, Philippines – Pinag-aaralan na ng Department of Health (DOH) ang pagbuhay sa sapilitang pagbabakuna sa mga bata.

Kasunod na rin ito ng paglobo ng bilang ng mga kaso ng tigdas sa bansa.

Ayon kay DOH Sec. Francisco Duque III – nauna na itong ginawa sa panahon ni dating Pangulo at ngayon ay House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo.


Nagkaroon lang aniya ng problema sa pagpapatupad nito dahil walang kaakibat na parusa para sa mga magulang na hindi sumusunod sa executive order.

Sa ilalim ng programa, dapat ay kumpleto na sa bakuna ang batang papasok sa preschool at elementarya.

Isa ito sa nakikitang paraan ng DOH para hindi na maulit ang measles outbreak sa bansa.

Facebook Comments