Manila, Philippines – Nire-review na ng Department of Health (DOH) ang mga kasalukuyang polisiya kaugnay sa pagpapabakuna.
Ayon kay DOH Secretary Francisco Duque III – wala pa kasing batas na nire-require ang lahat ng batang Pilipino na magpabakuna.
Isa sa tinitingnan ng ahensya ay ang mandatory immunization o inaatasan ang lahat sa ilalim ng batas na mabakunahan lalo na sa sakit na tigdas.
Naniniwala si Duque na ang Dengvaxia controversy ang nagdulot ng matinding paghina ng immunization programs ng ahensya.
Aniya, bago ang Dengvaxia controversy, ang DOH ay may mataas na coverage ng immunization na nasa 85 hanggang 90%
Muling hinihikayat ng DOH ang publiko na magpabakuna upang makaiwas sa mga sakit gaya ng tigdas.
Facebook Comments